Tuesday, June 24, 2014

Ano ba ang pyramiding?paano ko malalaman kung ano ang Legal at scam?

Ang totoo po wala namang masama sa pyramiding dahil this is only a structure.For example ang ating gobyerno,ang pinaka mataas na posisyon ay president at vice-president.At un mga nasa ibaba nila mga cabinet members sunod mga senators at mga congressman.Isa pang example ay ang isang company diba ang pinaka mataas ay ang ceo?sumunod ay mga managers tapos mga supervisors and then employees?So, mula sa taas pababa may namumuno na isa na pinaka mataas hanggang pababa ito po ay mukha talagang pyramiding.Pero ito po ay isang structure lamang,nagiging masama lang ang pyramiding kapag ito po ay naco-combined sa sales.Tulad po ng mga networking company...pero paano nga po ba natin malalaman kung ang pinapasok nating MLM or network company ay hindi pyramiding scam?

1.Una dapat po pag ikaw ay nag-join sa isang network company yung binayad mo dapat mabawi mo sa pamamagitan ng pagbibigay sayo ng products na pwede mong maibenta o magamit ng personal.
 
 TANDAAN! kapag po nag-join kayo at dalawang P lang ang binigay sa inyo tulad ng papel (resibo) na kayo ay nagbayad at pangako...pangako na mababawi ang pera nyo kapag kayo ay nag-recruit ng ibang tao yan po ay malinaw na kayo ay naloko,na scam po kayo.Yan ang totoong pyramiding scam.

2.Dapat din po na minimum start-up capital lang ang dapat mong ipuhunan.Hindi po yung masyadong mahal.

3.At reasonable monthly quota,wag po kayo sasali sa mga company na may napakalaking quota buwan-buwan dahil it will bring you a lot of stress.

4.Wag din po kayo sasali sa mga company na nagpaprank-loading, meaning they require you na bumili agad ng maraming produkto,kapag po di yan agad nabenta naka-stock lang sa inyo at kayo po ang kawawa.

Yan po ang mga dapat nating tandaan pag tayo ay sasali sa isang MLM or networking company.Maging matalino po tayo sa ating mga gagawin.Mag search at magtanong-tanong po muna tayo upang tayo ay makasiguro.Ayaw ng Diyos na tayo ay naloloko...be wise po!

Proverbs 24:5-6
Being wise is better than being strong: yes, knowledge is more important than strength.After all you must make careful plans before you fight a battle, and more good advice you get,the more likely you are to win.

For more information about aim global business
Please follow me and PM me in my facebook
https://www.facebook.com/belle.almazar


No comments:

Post a Comment